Home METRO 3 wanted persons nalambat sa Pasay

3 wanted persons nalambat sa Pasay

MANILA, Philippines – Tatlong wanted persons na sangkot sa iba’t-ibang kaso ang inaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng Pasay City police nitong Huwebes, Enero 25.

Ayon kay Pasay City police chief P/Col. Mario Mayames, nadakip ng mga tauhan ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) sa pakikipag-ugnayan ng Naujan Municipal police ang isang suspect na nakilala lamang sa alyas na Marvin.

Si alyas Marvin na nahaharap sa tatlong kaso ng acts of lasciviousness sa Oriental Mindoro ay inaresto dakong alas 8:45 ng gabi sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong Enero 19, 2024 ni Las Piñas Regional Trial Court (RTC) Judge Nerina Anastacio-Mendinueto ng Branch 199.

Sinabi ni Mayames na sa inisyung warrant of arrest laban kay alyas Marvin ay may kaakibat itong kautusan na piyansang nagkakahalaga ng P540,000.

Isa pang suspect na kinilala lamang sa alyas Rolando ang nadakip dakong alas 8:30 ng umaga sa Alfonso St. in Barangay 123, Pasay City, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong Enero 17, 2024 na inisyu ni Pasay City RTC Judge Maria Luwalhati Cruz ng Branch 231 kaugnay sa kanyang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Dakong alas 7:00 naman ng gabi ay naaresto ng mga operatiba ng SIDMS sa isang follow-up operation sa Araceli St. in Novaliches, Quezon City ang ikatlong suspect na nakilala sa alyas Kirby.

Inisyu ni Pasay City RTC Judge Divina Gracia Lopez Pelino ng Branch 231 noong Agosto 22, 2022 ang warrant of arrest laban sa suspect na nagngangalan sa alyas lamang na Kirvy dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 (Dangerous Drugs Acts law) na may kaakibat na rekomendasyon ng piyansa sa halagang P120,000.

Si alyas Marvin ay nakatakdang i-turnover sa Naujan Municipal police habang sina alyas Rolando at alyas Kirvy naman ay kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Pasay City police habang naghihintay ng commitment order ng korte para sa kanilang paglipat ng kulungan sa Pasay City jail. James I. Catapusan

Previous articleEscudero naglabas ng resibo sa pagdeklara ni Romualdez ng Cha-cha sa pamamagitan ng PI
Next articleKelot swak sa P238K shabu sa Taguig