Home NATIONWIDE 3 year validity registration sa mga motorsiklong 200cc pababa, ipoproseso na

3 year validity registration sa mga motorsiklong 200cc pababa, ipoproseso na

399
0

MANILA, Philippines – Sisimulan na ng Land Transportation Office (LTO) ang pagproseso sa registration ng mga bagong motorsiklo na may engine displacement na 200cc (cubic capacity) at pababa na magiging valid ng hanggang tatlong taon.

Sa pahayag, sinabi ng LTO na mahigit isang libong bagong motorsiklo na may engine displacement na 200cc pababa ang nakarehistro na sa pamamagitan ng Land Transportation Management System (LTMS) sa unang araw ng implementasyon ng Memorandum Circular No. JMT-2023-2395 nitong Mayo 15.

Pinalawig ng MC JMT-2023-2395 ang three-year registration validity sa mga motorsiklo na mas mababa sa 201cc ang engine displacement.

“Using the LTMS for the registration of these brand new motorcycles demonstrates how both the agency and the public benefit from the digitalization of LTO’s frontline services. We must maintain this momentum and expand it to make services for the public easier, simpler, and more convenient,” sinabi ni LTO chief Jay Art Tugade.

Nauna nang sinabi na walang nakikitang problema ang LTO sa roadworthiness ng mga bagong motorsiklo na may engine displacement na 200cc at pababa.

Sa ilalim ng mandato nito, iinspeksyunin ng LTO at irerehistro ang mga sasakyan, magbibigay ng lisensya at permit, magpapatupad ng batas at panuntunan sa land transportation, maglilitis ng traffic cases at kokolekta ng kita para sa pamahalaan. RNT/JGC

Previous articlePokwang, ibinidang iboboykot ang movie ni Lee!
Next articleJericho, international star na!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here