Home NATIONWIDE 30 patay sa Ukraine sa malawakang strike ng Russia

30 patay sa Ukraine sa malawakang strike ng Russia

UKRAINE – Naglunsad ng malawakang air strike ang Russia sa Ukraine nitong Biyernes, Disyembre 29, na kumitil sa buhay ng halos 30 katao at ikinasugat ng iba pa.

Kabilang sa mga tinamaan ng bomba ay ang mga paaralan, maternity hospital, shopping arcades at mga tirahan.

Dahil dito ay kinondena ng international community ang naging pag-atake ng Russia, na dumaan pa ng airspace ng Poland ang mga ginamit na Russian missile.

“Today Russia hit us with almost everything it has in its arsenal,” sinabi ni President Volodymyr Zelensky.

Tinatayang nasa 158 missiles at drones ang inilunsad ng Russia sa Ukraine, kung saan 114 sa mga ito ang naagapan.

Sinabi ni Air force spokesman Yuriy Ignat na ito ay “record number” ng missiles, at “the most massive missile attack” ng giyera, hindi kasama ang mga unang araw ng bakbakan.

“As of now, 30 people have been killed and more than 160 wounded as a result of Russia’s massive attack on Ukrainian territory in the morning,” pagbabahagi ni Interior Minister Igor Klymenko.

Nitong Biyernes, sinabi ng Russian authorities na tinamaan ng strike ang residential building sa Belgorod, 80 kilometro hilaga ng Kharkiv, Ukraine, na kumitil sa buhay ng isang katao at apat na sugatan.

Nasa kabuuang 13 missiles ang naharang sa Belgorod region, habang 32 drones ay napabagsak sa magdamag sa Bryansk, Kursk at Oryol regions, hilaga ng border at sa Moscow region, sinabi pa ng Russian defense ministry. RNT/JGC

Previous articleSUV driver na dumaan sa busway nagtangkang manuhol
Next articleKita ng mga tindahan ng paputok sa Bocaue, tumaas ngayong taon