Home METRO 300 minero na na-trap sa mining site, pinabulaanan ng Mati City LGU

300 minero na na-trap sa mining site, pinabulaanan ng Mati City LGU

MANILA, Philippines – Itinanggi ng Mati City Disaster Risk Reduction Management Office nitong Sabado, Enero 20 ang report patungkol sa 300 minero na na-trap umano sa isang mining site.

Anila, ang mga ito ay nakauwi ng ligtas sa kanilang mga tahanan.

Sa pahayag, nilinaw ng Mati CDRRMO sa reporter na tumawag sa kanilang emergency hotline na ang mga minero na nagtatrabaho sa Hallmark Mining ay hindi na-trap kundi naistranded lamang nang magkaroon ng pagbaha noong Huwebes.

Ani Mati CDRRMO head Charlemagne Bagasol, nakatanggap sila ng tawag mula sa isa sa mga kaanak ng minero noong Huwebes upang sabihan sila tungkol sa sitwasyon.

Kagyat naman itong nakipag-ugnayan sa mga opisyal ng Barangay Macambol.

“Ang sabi ng kapitan dun na pinabalik ng kompanya yung mga minero sa kanilang kampo para mas safe sila mula sa baha. Then the barangay official suggested na sea rescue na lang and upon assessment we told them na delikado kasi malakas ang agos at malaki ang alon,” ani Bagasol.

Umasiste naman ang 66th Infantry Battalion ng Philippine Army sa rescue operation noong Biyernes, habang nagsagawa ng road-clearing operation ang mga opisyal ng Mati City sa Barangay Macambol.

“The barangay officials of Macambol confirmed on Thursday that the miners are already safe inside the mining camp. Today, January 20, the miners are said to have gone back to their respective homes safe and sound” saad sa pahayag ng Mati City LGU. RNT/JGC

Previous articleBagong WPS joint patrol ng US, PH pinaplantsa na
Next articleBeijing nagpadala ng 27 barko sa WPS sa major maritime militia rotation