Home NATIONWIDE $300 nasikwat sa dayuhan tinago sa bibig ng OTS officer

$300 nasikwat sa dayuhan tinago sa bibig ng OTS officer

MANILA, Philippines – HULI sa closed-circuit television (CCTV) camera ang isang babaeng screening officer ng Office Transportation Security (OTS), na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, na sinusubukang lununin o ilagay sa kanyang bibig ang ilang nakatuping pera na nagkakahalaga ng $300 na umano’y nasikwat sa wallet ng papaalis na pasaherong Chinese.

Ang CCTV footage ay bahagi ng opisyal na ulat na inilabas ng mga awtoridad sa paliparan tungkol sa umano’y pagnanakaw na nangyari sa isa sa mga huling checkpoint ng departure area. Ang x-ray operator sa checkpoint, pati na rin ang kanilang superbisor, ay maaari ding malagay sa imbestigasyon.

Batay sa opisyal na ulat, sa mga kuha ng CCTV video, simula 8:18 p.m. noong Setyembre 8 nang makita ang papaalis na pasahero na kinilala lamang sa tawag na Mr. Cai, na inilalagay ang kanyang shoulder bag sa isang tray para sa inspeksyon.

Makikita si Cai na dumadaan sa Advanced Imaging Technology Machine (AITM), habang dinala ng isang babaeng security screening officer (SSO) ang tray na naglalaman ng bag ng pasahero sa isang mesa para sa manual search nito.

Nang matapos ang SSO sa pag-inspeksyon sa bag ni Cai, sinabi ng ulat na siya ay “suspiciously turned away while apparently holding something in her left hand with her fist tightly-closed”.

“She then swiftly placed something on her left torso/waist area, and went back to the inspection table,” saad pa sa ulat.

Sa puntong ito naramdaman ni Cai na may pinakialaman ang kanyang bag kung saan nakitanitong bukas ang kanyang wallet sa loob at maraming perang papel ang nawawala.

Ito ang nag-udyok kay Cai na harapin ang babaeng SSO, ang kanyang superbisor, passenger service agent, isang tauhan ng Philippine National Police (PNP), at isang miyembro Airport Police Department, tungkol sa mga nawawalang pera nito mula sa kanyang pitaka na nagkakahalaga ng $300.

“A follow-up was made at around 3 a.m. for a thorough review of another CCTV footage where the events were captured at the DFSCP beginning at 8:39 p.m.” saad sa report.

Batay sa kuha ng CCTV, nakita ang x-ray operator na nag-abot ng isang bote ng tubig sa babaeng SSO, na inilarawan na tila ninenerbiyos ito at hindi mapakali.

Ayon pa sa report, tila nahihirapang lunukin ang mga sinikwat na pera sa kabila ng pag-inom nito ng tubig na naunang ibinigay sa kanya.

“The CCTV footage clearly shows that the (suspect) SSO, with intent to gain, took the USD300 of Mr. Cai during her inspection process and was clearly in the possession of the stolen money as she deliberately swallowed the paper bills to avoid getting caught.” saad sa report.

Gayunpaman, ayon sa ulat, hindi na makontak si Cai kung may balak itong ituloy ang anumang reklamong kriminal laban sa mga suspek.

Napag-alaman na ang mga awtoridad sa paliparan ay tumuloy sa Boarding Gate 16 sa Terminal 1 at nakipag-ugnayan sa isang kinatawan ng airline upang magtanong sa nagrereklamo tungkol sa pagsasampa ng kasong kriminal laban sa SSO ngunit nagpahayag umano si Mr. Cain a wala na umano itong planong magreklamo.

“Evidently, Cai did not return to Manila earlier after the incident but never made any contact with authorities regarding his complaint,” saad pa sa report. Jay Reyes

Previous article2 pulis-Cavite kulong sa P1.5-M kotong kada buwan
Next articleWalang batas na nag-aatas sa gov’t officials na magsumite ng SALN – Ombudsman