Home METRO 300 pamilya apektado ng sunog sa Parañaque

300 pamilya apektado ng sunog sa Parañaque

MANILA, Philippines – Nasa 300 pamilya ang naapektuhan ng sunog na sumiklab sa isang residential/squatters’ area sa Paranaque Martes ng gabi, Pebrero 27.

Ayon sa report ng Paranaque Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Luba St., Lovewind Compound, United Paranaque (UPS)–5 dakong alas 7:02 ng gabi.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil dikit-dikit ang mga bahay na gawa sa light materials sa squatters’ area.

Nahirapan din na makapasok ang mga bumbero sa lugar dahil ang pinangyarihan ng sunog ay katabi ng Manila Memorial Park kung saan kailangan pang tumawid ng creek para maapula ang naglalagablab na apoy.

Umabot ng ikaapat na alarma ang sunog na idineklarang fire out makaraan ang anim na oras dakong alas 3:17 ng madaling araw.

Wala namang naiulat na nasaktan o namatay sa sunog na umabot sa P800,000 ang pinsala ng mga ari-arian.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa insidente ng sunog upang malaman ang dahilan at pinanggalingan ng apoy. James I. Catapusan

Previous articleComelec kailangan ng critical cooperation ng BARMM sa paggamit ng bagong poll machine
Next articleSENIOR CITIZENS, DAPAT UMINOM AT MAGBAON NG TUBIG PARA MAKAIWAS SA HEAT STROKE