Home METRO 300 pugante, huli sa Project Paskulong ng PNP

300 pugante, huli sa Project Paskulong ng PNP

MANILA, Philippines – Naaresto ng Philippine National Police ang mahigit 300 pugante sa Calabarzon Region mula Disyembre 1 hanggang 21 sa kanilang Project Paskulong.

Ayon kay Police Regional Office 4A Director Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas, ang Project Paskulong ay unang naisip ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. nang siya ay direktor pa ng PRO10.

“Alam natin na ang mga wanted na ito, kahit saan man sila, pipilitin at pipilitin nilang umuwi sa kani-kanilang pamilya para makapiling nila ngayong Pasko at Bagong Taon,” paliwanag ni Lucas.

Sa serye ng mga operasyon ng pulisya ay naaresto ang mga pugante sa kani-kanilang mga tahanan.

Nasa Camp Vicente Lim sa Laguna ang mga naarestong suspek. RNT/JGC

Previous articlePBBM nakipagkita sa Filipino survivors ng Hamas attack sa Israel
Next articleMga empleyado sa Northern Mindanao may P33 kada araw na dagdag-sahod