MANILA, Philippines – Iniulat ni Albay Governor Edcel “Grex” Lagman ngayong Sabado na humigit-kumulang 3,000 pamilya ang inilikas matapos itaas ang Alert Level 3 dahil sa aktibidad ng bulkan ng Mayon.
Sinabi ni Lagman na nagsimula ang paglikas dalawang araw na ang nakararaan matapos magpakita ng senyales ng kaguluhan ang Mayon.
“Mayroon tayong 3,000 na pamilya na lumikas sa Albay sa mga apektadong LGU… Baka umabot pa ng 8,000 pamilya [ang kailangang ilikas], kapag umangat pa ang alert level from 3 to 4… Kapag tumaas ang alert level, din ang radius ng kailangang ilikas,” ani Lagman.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Sabado na naka-standby na ang pondo at food packs para sa mga maaapektuhan ng kaguluhan ng Mayon. RNT