Home NATIONWIDE 301st IB nangako, 2 NPA fronts sa Panay dudurugin

301st IB nangako, 2 NPA fronts sa Panay dudurugin

MANILA, Philippines – Nangako ang 301st Infantry Brigade na dudurugin nito ang dalawang nalalabing New People’s Army fronts sa Panay island.

“While we have reduced the strength of the NPA, the two remaining NPA fronts still pose a challenge,” ayon kay Brig. Gen. Michael Samson sa sidelines ng 301st IB – 41st founding anniversary ngayong linggo sa Camp Hernandez sa Dingle, Iloilo.

“In our assessment for the past few months, these two fronts are gaining grounds in the mountain areas,” aniya, na tumutukoy sa Southern Front at Central Front Committees.

“What we have to do is pursue them more in those areas,” dagdag ni Samson na marka ng unang taon niya bilang commander ng 301st IB na nakasasakop sa mga probinsya ng Aklan, Antique, Capiz, at Iloilo.

Nakasagupa na ng unit ni Samsong ang NPA sa 31 engkwentro, 21 sa Iloilo province noong nakaraang taon.

Kabilang sa mga napatay sa engkwentro ay ang mga rebelde na sina Rebecca Alfaro, alias “Jing,” secretary ng Southern Front Committee.

Nakasagupa naman ng mga militar sa limang engkwentro ang mga NPA sa Capiz na may limang engkwentro, dalawa sa Aklan at isa sa Antique.

Nakumpiska naman ang 31 armas ng NPA. Labing-pitong NPA rebels ang sumuko sa Panay at pinangunahan din ng 301st IB ang pamamahagi ng ayuda ng pamahalaan sa mahigit 112 dating communist guerrillas.

Hinimok ni Samson ang mga nalalabing rebeldeng NPA na sumuko na at samantalahin ang livelihood programs ng pamahalaan sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program.

“They should live peaceful lives with their families,” ani Samson. RNT/JGC

Previous articleDom at Chard, gumimik!
Next articleGang members na pumatay sa 2 negosyante sa Albay, arestado