Home NATIONWIDE 30K personnel na planong kunin ng DepEd na susuporta sa mga guro,...

30K personnel na planong kunin ng DepEd na susuporta sa mga guro, ‘di sapat – grupo

MANILA, Philippines – Hindi sapat ang 30,000 karagdagang tauhan na kukunin ng Department of Education para pagaanin ang trabaho ng mga guro.

Sa pahayag, sinabi ng People’s Education Commission (PEdCom) na ang education system ay nagdurusa sa “worsening neglect” dahilan para ang mga guro ay magtrabaho ng sobra-sobra at mapwersang magturo sa mga siksikang silid-aralan.

“The absence of sufficient support personnel has resulted in massive workloads for teachers. Despite their dedication, the sheer numbers make it challenging for educators to provide quality education,” saad sa pahayag ni Dr. David Michael San Juan, PEdCom lead convenor.

Ayon sa DepEd, plano nilang magdagdag ng 20,000 teaching personnel at 10,000 education support personnel.

Inanunsyo rin na hindi na pagagawain ng administrative work ang mga guro upang makatutok na sa pagtuturo ang mga ito.

Sa kabila nito, sinabi ng PEdCom na kulang pa rin sa aktwal na kailangan ng sektor ang nasabing bilang, “leaving teachers overworked and undersupported.”

Anang grupo, kailangang tumbasan ang pangangailangan ng mas maraming teaching at support personnel, kasabay ng pagdaragdag ng mga silid-aralan, na umano’y “paramount for an effective education system.” RNT/JGC

Previous articlePope Pius XII Catholic Center sa Maynila, pinangalanang ‘important cultural property’
Next articleVillafuerte sa mga senador: Let Cha-cha take its due course