MANILA, Philippines- Mahigit 30 indibdiwal ang patay kasunod ng malakas na ulan at baha sa Brazilian state ng Rio Grande do Sul, ayon kay state governor Eduardo Leite nitong Miyerkules.
Bumisita si Leite sa disaster area nitong Miyerkules ng umaga at nangako sa social media na muling itatayo ang mga tahanan at imprastrakturang nawasak ng kalamidad.
Inaasahang magpapatuloy ang bagyo sa rehiyon sa natitirang bahagi ng linggo.
Ayon sa ulat, ang pag-ulan ngayong linggo ang “worst natural disaster” na tumama sa estado sa loob ng 40 taon. RNT/SA