Home NATIONWIDE 31K PDL boboto sa BSKE 2023

31K PDL boboto sa BSKE 2023

MANILA, Philippines – AABOT sa kabuuang 31,125 Persons Deprived of Liberty (PDL) ang makaboboto sa Oktubre 30 sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon sa ulat, ang hakbang ng BJMP ay magiging historical upang mapatili nitong ipinapatupad ang demokrasya sa pamamagitan ng electoral process upang matiyak na kahit ang mga nakapiit ay magiging bahabi kani-kanilang komunidad.

Sinabi ni BJMP chief Jail Director Ruel S Rivera
na inatasan na nito ang lahat na bantayan ang mga pasilidad upang matiyak ang kaligtasan ng pagboto sa mga jail facilities lalo na ang mga polling precinct o sa escorted voting ng Comelec designated polling precinct.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng BJMP na magiging maayos at matahimik ang isasagawang botohan sa mga polling precinct sa mga piitan na binabantayan ng mga tauhan ng BJMP.

Ayon pa sa opisyal ng BJMP, magiging bantay sarado ang mga kulungan sa bansa na pagdarausan ng botohan sa BSKE. Santi Celario

Previous article#Undas2023 Sitwasyon sa mga bus terminal
Next articleVice, beastmode sa PAL!