Home NATIONWIDE 343 NPA-infested communities sa Visayas, nalinis na!

343 NPA-infested communities sa Visayas, nalinis na!

MANILA, Philippines – Nalinis na sa mga rebeldeng grupo ang 343 komunidad sa Visayas.

Ayon kay Lt. Gen. Benedict Arevalo, commander ng Visayas Command, lubhang napuruhan ang CPP-NPA ngayong taon dahil sa hakbang ng pamahalaan.

Ani Arevalo, nasa 162 government-initiated armed encounters ang nangyari sa buong taon sa Visayas, at 80 sa mga ito ang mula sa Eastern Visayas habang 82 sa Central at Western Visayas.

Nagapi ang 607 NPA terrorists sa naturang mga engkwentro, kung saan 84 sa mga ito ang nasawi, 25 ang nahuli at 498 ang sumuko.

Kabilang sa mga nahuling rebelde ay 10 high-value NPA members, ang mag-asawang CPP leaders na sina Benito at Wilma Tiamzon, at 20 alleged finance officers.

Iba pa ang 490 mass supporters ng NPA na kumalas sa grupo.

“This significant progress in our fight against the CPP-NPA is not only an accomplishment of the AFP (Armed Forces of the Philippines) but also the accomplishment of all the peace-loving people in the Visayas region. It is through their active support and collaboration that led us to this milestone. Our people’s longing for peace remains our driving force and motivation in performing our mandate to the highest level of efficacy,” saad sa pahayag ni Arevalo. RNT/JGC

Previous article2 menor de edad, binaril ng 17-anyos na binatilyo sa Cebu
Next articleMga pasahero dumagsa sa mga pantalan bago mag-Bagong Taon