Home HOME BANNER STORY 3,489 free Wi-Fi sites sa Pinas pinagana na – DICT

3,489 free Wi-Fi sites sa Pinas pinagana na – DICT

MANILA, Philippines – Mahigit 3,400 libreng Wi-Fi sites ang pinagana na sa buong bansa para makapagbigay ng serbisyo sa 2.6 million users mula Mayo hanggang Hulyo, iniulat ng Department of Information and Communications Technology (DICT) nitong Martes, Agosto 15.

Ayon sa ahensya, nasa 3,489 free Wi-Fi sites ang napagana na nila sakop ang 71 probinsya, kabilang ang Metro Manila at 396 pang lokalidad.

Kasabay ng Oplan Balik Eskwela Launch and Command Conference for School Year 2023-2024, sinabi ni DICT Free Public Internet Access Program director Paul Tuason na, “These free Wi-Fi sites provided connectivity to almost 2.6 million users from May to July 2023.”

Sa nagdaang pagdinig sa Kamara, sinabi ni DICT Secretary Ivan Uy na sa 10,000 free Wi-Fi sites sa bansa, tanging 3,900 lamang ang gumagana dahil ang subscriptions ng iba ay hindi na-renew sa network providers.

Target ng DICT na makapagbigay ng 10,816 free Wi-Fi sites sa buong bansa sa pagtatapos ng 2023.

“For fiscal year 2023, the program envisions a three-year road map where 1,364 localities in all 84 provinces in the Philippines, including Metro Manila, shall be provided with free internet connectivity, by making use of the latest emerging technologies. This translates to 10,816 free Wi-Fi access points, or sites, across the nation,” ani Tuason.

Ang Free Public Internet Access Program ng DICT ay nagsimula noong 2018. RNT/JGC

Previous articleHatol na kulong sa pulis na nanutok ng baril sa bata, kinatigan ng SC
Next article1 patay, 8 sugatan nang mahagip ng firetruck sa Maynila