Home NATIONWIDE 348K aplikasyon naproseso ng Comelec sa pagbubukas ng voter registration

348K aplikasyon naproseso ng Comelec sa pagbubukas ng voter registration

MANILA, Philippines- Nakapagproseso na ang Commission on Elections (Comelec) ng 348,349 na aplikasyon sa unang linggo ng pagbabalik ng voter registration para sa 2025 midterm polls.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ang naturang mga aplikasyon ay natanggap mula Pebrero 12 hanggang 17.

Kabilang dito ang 180,175 female applicants at 168,174 male applicants.

Ayon sa rehiyon, naitala ng Calabarzon ang pinakamataas na bilang ng mga aplikasyon na may 61,736 (32,011 babae at 29,725 lalaki), na sinundan ng National Capital Region na may 48,187 (26,779 babae at 21,408 lalaki) at Central Luzon na may 38,114 (19,409 lalaki at babae).

Samantala, nakapagtala ang Central Visayas ng 29,201 aplikante (14,592 babae at 14,609 lalaki), at Davao na may 23,291 (11,762 babae at 11,529 lalaki).

Nakapagtala naman ang Ilocos Region ng 17,278 aplikante (8,513 babae at 8,765 lalaki); Northern Mindanao na may 16,880 (8,999 babae at 7,881 lalaki);Western Visayas na may 16,312 (8,208 babae at 8,104 lalaki); Eastern Visayas na may 13,063 (6,865 babae at 6,198 lalaki); Bicol na may 12,439 (6,298 babae at 6,141 lalaki).

Ang Zamboanga Peninsula ay nakapagtala ng 11,203 aplikante (5,794 babae at 5,409 lalaki); Cagayan Valley na may 10,981 (5,587 babae at 5,394 lalaki); Caraga na may 10,730 (5,383 babae at 5,347 lalaki); Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na may 9,356 (4,885 babae at 4,471 lalaki); Mimaropa na may 8,924 (4,332 babae at 4,592 lalaki) at Cordillera Administrative Region na may 3,927 (2,075 babae at 1,852 lalaki).

Nagproseso ng 694 na aplikasyon kung saan 362 ang babae at 332 ang lalaki ang tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Maynila kung saan nagsasagawa ng satellite registration.

Bukas ang rehistrasyon ng mga botante hanggang Setyembre 30.

Bukod sa aplikasyon para sa bagong rehistrasyon, tumatanggap din ang Comelec ng mga aplikasyon para sa paglipat ng rehistrasyon mula sa ibang lungsod/munisipyo/distrito; paglipat ng pagpaparehistro mula sa ibang bansa patungo sa lokal; pagwawasto ng mga entry o pagbabago ng katayuan; at muling pagsasaaktibo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article20 pang gamot para sa ilang sakit exempted na sa VAT
Next articlePhilHealth premium contributions sa minimum wage earners pinasususpinde