MANILA, Philippines- Inihayag ni Phivolcs Director Teresito Bacolcol na magreresulta ang magnitude 7.2 na lindol sa Metro Manila ng hindi bababa sa 34,000 patay at 114,000 sugatan sakaling maganap ang ”The Big One.”.
“The West Valley Fault is capable of generating a magnitude 7.2 earthquake and based [on the study in 2004], the expected casualties would be 34,000 in Metro Manila. Meron ding 114,000 injured,” aniya sa isang panayam.
Sinabi niya na naitala ang huling paggalaw ng fault noong 1658, kung kaya aniya’y “hinog” na ito para sa isang malakas na lindol.
Nauna nang ipinakita ng Earthquake Impact Reduction Study for Metro Manila, pinondohan ng Japan International Cooperation Agency para sa Metro Manila Development Authority and Phivolcs ang 7.2-magnitude na lindol na maaaring kumitil sa 34,000 indibidwal matapos ang pagguho ng 13 porsyento ng residential houses. Magtatamo naman ng sugat ang 100,000 indibidwal dahil sa gumuhong mga gusali.
Ani Bacolcol, magreresulta rin ang 7.2-magnitude quake sa Metro Manila sa ground ruptures at mararamaman ang intensity 8.
Mahigit 2,000 indibdiwal ang nasawi sa malakas na lindol na tumama 72 kilometers (45 miles) southwest ng tourist hub na Marrakesh.
Naramdaman ang pagyanig sa coastal cities ng Rabat, Casablanca at Agadir.
Ito ang pinakamalas sa Morocco mula noong 1960 sa lindol na naminsala sa Agadir, kung saan 12,000 indibidwal ang nasawi.
Binanggit ni Bacolcol na sa pagtataya ng Moroccan authorities, ang lindol ay magnitude 7.2, subalit sa sukat ng United States Geological Survey, ito ay magnitude 6.8. RNT/SA