Home NATIONWIDE 34K parak ikakalat sa Oplan Semana Santa

34K parak ikakalat sa Oplan Semana Santa

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes na tinatapos na nito ang mga hakbang sa seguridad na isasagawa para sa pagdiriwang ng Semana Santa.

“Iyon pong security preparations para po sa Oplan Semana Santa ay nasa huling yugto na ito. We expect bago matapos ang linggong ito ay ilalatag na natin ang ating seguridad,” ani PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa isang press conference.

Sa ngayon, ani Fajardo, wala pang banta na binabantayan kaugnay ng pagdiriwang ng Semana Santa, na magsisimula sa Marso 24 hanggang 31.

Idinagdag niya na ang PNP ay unang magdedeploy ng 34,000 police personnel sa buong bansa sa mga terminal, paliparan, at mga daungan, ngunit ang bilang ay madadagdagan kung kinakailangan.

Ang mga regional director ay may pagpapasya na taasan ang kanilang deployment at itaas ang kanilang alert level status.

Ngayong linggo, isasagawa ang interagency meeting kasama ang pamunuan ng mga terminal upang matiyak ang maayos na paglalakbay ng mga taong pupunta sa mga probinsya.

Ayon kay Fajardo, inaasahang dadagsa ang mga pasahero ngayong katapusan ng linggo dahil maraming tao ang sasamantalahin ang holidays para makapagbakasyon din.

Nasa 7,000 pulis ang magbabantay sa mga pangunahing destinasyon ng turista sa buong bansa, aniya. RNT

Previous articleHigit 8,600 menor huling lumabag sa vaping, smoking law – PNP
Next articleInihintong lotto livestream ipinagtanggol ng PCSO: ‘Bahagi ng procedure’