Home NATIONWIDE 34K PNP, AFP personnel handa na sa Mawar rescue ops

34K PNP, AFP personnel handa na sa Mawar rescue ops

378
0

MANILA, Philippines – Nasa kabuuang 34,000 tauhan mula sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nakahanda na para sa isasagawang
search, rescue, at retrieval operations sa posibleng magiging biktima ng super typhoon Mawar.

Ayon kay PNP public information office chief Police Brigadier General Redrico Maranan sa televised public briefing nitong Biyernes, Mayo 26, nasa 22,000 pulis ang sinanay sa ganitong operasyon.

“Naka-ready po ang almost 22,000 na personnel ng PNP. Ito po yung mga may training po sa search, rescue, and retrieval operations,” ani Maranan.

Nasa 18,000 uri ng kagamitan naman at 2,000 land at sea assets ang nakaabang para magamit sa rescue operations.

Pinagana na ng PNP ang disaster incident management task group nito upang tugunan ang posibleng banta ng super typhoon sa publiko.

Nakikipag-ugnayan na rin ang ahensya sa iba pang concerned agencies upang pag-usapan ang disaster response.

Sa pahayag, sinabi ng AFP na mayroon din silang mahigit 12,000 tauhan na ipapakalat
para umalalay sa mga posibleng biktima ng bagyo.

“Over 12,000 personnel including reservists are alerted as first responders,” ayon sa AFP.

Mayroon naman mahigit 2,800 land, air, at water assets ang ipapakalat para sa humanitarian assistance at disaster response operations.

Naka-standby rin ang air at naval assets para naman sa aerial assessment, transport at evacuation operations kaugnay ng bagyo.

Sa huling ulat ng PAGASA, inaasahang papasok ang super typhoon Mawar sa Philippine area of responsibility pagsapit ng Biyernes ng gabi, Mayo 26 o Sabado ng umaga. RNT/JGC

Previous articlePosibleng areas of concern sa BSKE, inaalam na ng PNP
Next article2 mangingisdang Pinoy nasagip ng Taiwan Coast Guard

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here