Home HOME BANNER STORY 35 investment deals tinintahan sa Japan visit ni PBBM

35 investment deals tinintahan sa Japan visit ni PBBM

120
0

TOKYO, Japan – Pinirmahan ang aabot sa 35 investment deals sa imprastruktura, enerhiya, manufacturing at healthcare sa pagitan ng Pilipinas at Japan kasunod ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nasabing bansa.

Sinaksihan ni Marcos ang pagpirma sa Marcos witnessed the signing of Letters of Intent (LOI) on investments and agreements, na mas magpapalakas pa sa relasyon ng dalawang bansa.

Kabilang sa mga pinirmahan ay ang wiring harness manufacturing expansion project ng Asti Corporation; printer manufacturing expansion project ng Brother Industries Ltd.; hotel construction project ng DoubleDragon Corporation at IwataChizaki Inc.; at factory expansion project kasama ang Japan Tobacco Inc.

Pinirmahan din ang LOIs para sa bagong factory ng autoparts ng
Kurabe Industrial Co, Ltd.; energy, transportation, healthcare, at afforestation projects kasama ang Marubeni Corporation; at automobile manufacturing expansion project kasama ang commitment renewal ng Mitsubishi Motors Corporation.

Dahil dito, nagpasalamat naman si Marcos sa mga mamumuhunang Hapon sa pagkunsidera sa Pilipinas upang palaguin ang kani-kanilang mga negosyo.

“It is our hope that companies such as yours will not only find the Philippines to be an attractive investment destination, we are designing our efforts to encourage you to stay and to find our country to be a place where your businesses will thrive,” anang Pangulo.

“Our goal is that with you as our partner, the Philippine economy will grow stronger and will generate more opportunities for our people,” pagtatapos niya. RNT/JGC

Previous articleSOGIE bill ‘di na kailangan – ex-law school dean
Next articleInflation tataas pa – analysts