Home HOME BANNER STORY 35 iskul swak sa testing ng MATATAG K-10 curriculum

35 iskul swak sa testing ng MATATAG K-10 curriculum

242
0

MANILA, Philippines – Inilabas ng Department of Education (DepEd) nitong Linggo ang listahang pasok sa pilot test ng MATATAG K-10 curriculum.

Layon ng nasabing iskema ang pag-decongest sa kasalukuyang kurikulum sa pamamagitan ng pagbabawas ng bilang ng mga learning areas at pagtutok sa mga foundational skills.

Ang 35 paaralan ay makikita sa Cordillera Administrative Region, Metro Manila, Ilocos Region, Central Luzon, Central Visayas, Soccsksargen, at Caraga.

Sa ilalim ng MATATAG K-10 curriculum, humigit-kumulang 70% ng kasalukuyang kurikulum ang binawas para mabigyan ng mas maraming oras ang pag-aaral sa foundation skills na target ang mas magandang learning outcome.

Ang mga learning areas naman na mula sa pito ay ginawang lima na lamang kabilang ang Language, Reading and Literacy, Math, Makabansa, at Good Manners and Right Conduct.

Ipapatupad sana ang MATATAG curriculum simula school year 2023-2024, ngunit naantala ito dahil hindi agad naisapinal ang mga pilot areas.

Sakop ng phased na pagpapatupad ang Kindergarten at Grades 1, 4, at 7 para sa kasalukuyang school year. RNT

Previous articleMindanao uulanin sa ITCZ
Next articlePagpasa sa P5.768-T budget ‘di maaantala – Romualdez

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here