Home NATIONWIDE 36 lugar matutusta sa sobrang init

36 lugar matutusta sa sobrang init

MANILA, Philippines – Maaaring umabot sa “danger level” ang heat index sa 36 na lugar sa bansa sa Lunes, ayon sa state weather bureau PAGASA.

Sa pagtataya nito, sinabi ng PAGASA na ang mga sumusunod na lugar ay maaaring makaranas ng pinakamataas na heat index na hanggang 47°C sa Lunes:

47°C

Dagupan City, Pangasinan

46°C

Aparri, Cagayan

45°C

Laoag City, Ilocos Norte
Bacnotan, La Union
Tuguegarao City, Cagayan
ISU, Echague, Isabela
Baler, Aurora

44°C

Sinait, Ilocos Sur
Casiguran, Aurora
San Jose, Occidental Mindoro
Coron, Palawan
Aborlan, Palawan
Dumangas, Iloilo

43°C

NAIA, Pasay City
MMSU, Batac, Ilocos Norte
NVSU, Bayombong, Nueva Ecija
Ambulong, Tanauan, Batangas
Puerto Princesa, Palawan
Virac, Catanduanes
Iloilo City, Iloilo
Guiuan, Silangang Samar
Zamboanga City, Zamboanga del Sur

42°C

Science Garden, Quezon City
Iba, Zambales
Clark Airport, Pampanga
CLSU, Munoz, Nueva Ecija
Cubi Pt, Subic Bay, Olongapo City
Sangley Point, Cavite
Legazpi City, Albay
CBSUA, Pili, Camarines Sur
Roxas City, Capiz
Mambusao, Capiz – 42
La Granja, La Carlota, Negros Occidental
Dipolog, Zamboanga del Norte
Davao City, Davao del Sur
Butuan City, Agusan del Norte

Ang heat index ay ang sukatan ng temperatura na nararamdaman ng isang tao, na iba sa aktwal na temperatura ng hangin. Ito ay kinakalkula sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa halumigmig at temperatura ng hangin.

Dagdag pa ng PAGASA na ang heat cramps at heat exhaustion ay malamang sa mga lugar na nakakaranas ng danger level heat index, na mula 42 hanggang 51°C. Posible rin ang heat stroke sa patuloy na pagkakalantad. Santi Celario