Home NATIONWIDE 360 dagdag-kaso ng COVID naitala ng DOH

360 dagdag-kaso ng COVID naitala ng DOH

MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Pilipinas ng 360 bagong COVID-19 cases nitong Martes, na nagdala sa kabuuang COVID-19 infections sa bansa mula nang magka-pandemya sa 4,130,671.

Ito ang ika-12 reporting day ng hindi bababa sa 180 arawang bagong kaso, ayon sa ulat.

Makikita rin sa COVID-19 tracker ng Department of Health na umakyat ang active cases ng 118 sa 4,898, pinakamataas na tally sa loob ng 95 reporting days mula sa 5,121 active cases noong July 23.

Pumalo naman ang recoveries ng 242 cases sa 4,058,978, habang nananatili ang death toll sa 66,795.

Ang rehiyon na may pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 14 araw at ang National Capital Region sa 1,946, sinundan ng Calabarzon sa 751, Western Visayas sa 475, Central Luzon sa 329, at Central Visayas sa 138.

Naitala naman ang COVID-19 bed occupancy sa15.9%, kung saan 2,953 kama ang okupado– 1,861 sa ICU—at 15,565 naman ang bakante. RNT/SA

Previous articleLotto Draw Result as of | December 19, 2023
Next articleLRT 1, 2 ops sa Dis. 20-23 pinalawig