Home NATIONWIDE 38 pang distressed OFWs balik-Pinas na

38 pang distressed OFWs balik-Pinas na

MANILA, Philippines- Nakabalik na rin sa bansa ang 38 pang distresses overseas Filipino workers (OFWs) mula Lebanon at Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Dumating ang OFWs sa magkahiwalay na batch ng flight, ang 19 mula Lebanon ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) PR 685 Terminal-1 sakay ng Philippine Airlines flight.

Umuwi ang nasabing OFWs  kamakailan mula sa Lebanon nang makakuha ng voluntary repatriation sa gitna ng patuloy na nakamamatay na digmaan sa Middle Eastern country.

Nangako ang gobyerno na bibigyan sila ng iba’t ibang anyo ng tulong pinansyal, medikal, at psychosocial pati na rin ang mga opsyon sa pagsasanay at pagpapahusay ng kakayahan.

Samantala, sinabi ng OWWA na ang iba pang distressed OFW mula sa Abu Dhabi ay dumating ng madaling araw sa NAIA PR659 Terminal-1. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleTaas-presyo sa bigas bumungad ngayong Disyembre – sarbey
Next articlePCG magbabantay sa mga kalsada sa Metro Manila