Home NATIONWIDE 38 pang Pinoy galing Sudan, balik-Pinas na

38 pang Pinoy galing Sudan, balik-Pinas na

344
0

MANILA, Philippines- Mas maraming Pilipino na lumikas mula sa war-torn Sudan ang dumating na sa Pilipinas nitong Linggo, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

“Ang good news, kahapon, may 38 na nakaalis kasama ang isang may cancer na inaalagaan sa Jeddah (Saudi Arabia) bago pinauwi,” pahayag ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega sa Laging Handa briefing.

“Meron pang mga 71 nasa port of Sudan, hinahantay ang plane ticket [papuntang Jeddah]. Itong linggo makakauwi na sila,” dagdag niya.

Base kay De Vega, halos 600 Pilipino ang nakauwi na sa Pilipinas habang halos 40 hanggang 50 Pilipino ang nananatili sa Sudan.
Advertisement

“Wala nang naiipit sa Cairo kaya ngayon ang exit point ay port of Sudan. At ngayon, meron nang commercial flights, commercial vessel dumadaan ng Jeddah pauwi,” aniya.

Sinabi ng undersecretary sa House Committee on Overseas Workers Affairs nitong Lunes na nakikipag-ugnayan ang Philippine Consulate sa Khartoum sa mga Pilipino sa Sudan.

Inilahad ni De Vega na hindi na magkakaroon ng repatriation buses subalit mag-aalok pa rin ng libreng transportasyon patungo sa Port Sudan. Tiniyak din niya ang tulong sa kanila sakaling magdesisyon na umuwi na sa Pilipinas. RNT/SA

Previous articleToni Fowler, dismayado sa kabataang nag-twerk!
Next articlePCG, BFAR teams sinalubong matapos maglagay ng boya sa WPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here