Home NATIONWIDE 3,982 pasado sa August 2023 licensure examination for medical technologists

3,982 pasado sa August 2023 licensure examination for medical technologists

MANILA, Philippines- Sa kabuuang 5,401 na kumuha ng pagsusulit, nasa 3,982 ang nakapasa sa August 2023 licensure examination para sa mga medical technologist, sinabi ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Huwebes, Agosto 17.

Sa average na 93.30 percent, nanguna si Sam Jeffrey Bitao Tiongco mula sa Saint Louis University (SLU) sa medical technologists board exam na isinagawa noong Agosto 12 at 13.

Pareho namang nakakuha ng 92.70 percent sina Gabriel Martin Quevenco Canillas mula sa University of San Agustin (USA) at Jolina Mae Dela Peña Ongchinke mula University of Santo Tomas (UST) .

Samantala, nasa ikatlong pwesto sina Kevin Carlo Macaspac Ganas at Hilary Marj Lopez Orbeta, kapwa mula sa UST na may average na 92.40 percent.

Ginanap ang pagsusulit sa Metro Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga.

Ito ay pinangasiwaan ng Board of Medical Technology na pinamumunuan ng chairman nito, Marilyn A. Cabal-Barza, at miyembrong si Leila Lany M. Florento. Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous article501 ektarya ng lupain sa Iwahig Prison tataniman
Next articleWrit of execution ‘di na kailangan sa sa huridiksyon sa 10 barangay – Taguig City