MANILA, Philippines – Posibleng pumasok sa bansa ang nasa humigit-kumulang apat hanggang pitong tropical cyclone bago matapos ang taon, ayon sa state weather bureau.
Pero, ang patuloy na El Niño ay nakikitang magdadala ng tagtuyot sa mas maraming probinsya hanggang Marso 2024, dagdag pa ng PAGASA.
Ang pinakahuling pagtatasa ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ay nagpakita na 45 probinsya ang maaaring tamaan ng tagtuyot sa Marso sa susunod na taon – mas malawak kaysa sa unang tally na 40 sa pagtataya nito noong Agosto.
“May inaasahan pa din tayong apat hanggang pitong tropical cyclones sa pagtatapos ng Disyembre. Ngunit magkakaroon pa rin ng mga lugar na potensyal para sa dry spell at maapektuhan nitong nakikita nating tumitindi nang El Niño,” sabi ni PAGASA assistant weather services chief Ana Solis.
Ayon sa PAGASA, ang Central at Western Visayas at Mindanao ang pinakamatinding tatamaan ng weather phenomenon. Samantala, naapektuhan na ng El Niño ang Luzon.
Nagbabala si Solis na ang 2024 ay maaaring maging “isa sa pinakamainit na taon na naitala” para sa mga Pilipino.
“As early as now nakikita na natin next year yung warm and dry season ay February, March, April, May. Itong tag-init natin medyo kokonti ang ulan, yun ang kelangan paghandaan,” ani Solis. RNT