Home METRO 4-anyos patay sa taga ng ama!

4-anyos patay sa taga ng ama!

BACOLOD CITY – Patay ang isang apat na taong gulang na batang lalaki matapos pagtatagain ng kanyang ama sa kanilang bahay sa Barangay Camingawan, Kabankalan City, Negros Occidental noong Biyernes, Disyembre 22.

Itinago ng pulisya ang pangalan ng biktima.

Sinabi ni Police Lt. Col. John Joel Batusbatusan, hepe ng Kabankalan police, kumakain ng tanghalian ang 48-anyos na suspek at tatlong anak nito nang bigla nitong sunggaban ang biktima.

Kumuha ng bolo ang suspek at tinaga ang biktima habang ang dalawa pa niyang anak ay tumakbo para magtago.

Idineklarang patay sa ospital ang biktima. Narekober ng pulisya ang sandata ng pagpatay.

Sinabi ni Batusbatusan na hindi pa ibinunyag ng pamilya kung may psychological problem ang suspek.

Alam umano ng suspek ang krimen na kanyang ginawa ngunit hindi niya masabi sa pulisya ang dahilan kung bakit niya ito ginawa.

Sinampahan ng kasong parricide ang suspek noong Sabado, Disyembre 23.

Nangyari ang insidente dalawang taon matapos martilyo ng suspek hanggang mamatay ang kanyang asawa dahil sa selos.

Gayunman, nakalaya ang suspek sa kulungan dahil sa hindi pagpapakita ng mga testigo, na mga kapamilya nito, ayon kay Batusbatusan. RNT

Previous article2 patay, 3 sugatan sa araro ng military vehicle sa Davao market
Next article125K OFWs sa Taiwan makikinabang sa taas-sahod