Home METRO 4 arestado sa P1.2M marijuana

4 arestado sa P1.2M marijuana

RODRIGUEZ, Rizal –Apat na kalalakihan kabilang ang high value target matapos makuhanan ng P1.2 milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kaninang madaling-araw sa bayang ito.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Anjo Anselmo at Jomarin Pascual habang ang dalawang gumagamit ng marijuana ay sina Errol Fritz at Lorenzo Catalon, lahat ay nakatira sa Barangay San Isidro, ng naturang bayan.

Batay sa pinagsamang report ng Rodriguez Municipal Police Station at Rizal police drug enforcement unit, bandang alas-12:40 ng madaling araw nang madakip ang mga suspek sa nasabing lugar makaraan makabili ng halagang P6,000 na marijuana ang operatiba.

Nakumpiska rin sa suspek ang kabuuan 12.2 kilos ng pinatuyong dahon ng marijuana na may street value na P1,228,000 at timbangan.

Ayon pa sa pulisya sina Anselmo at Pascual ay tinaguriang “high-value targets” sa nasabing bayan.

Samantala, nadakip rin sa bayan ng Taytay si Arnel Cifra sa pinaigting ang anti-illegal drug operation sa Barangay Dolores, bandang alas-9:15 ng gabi noong Biyernes.

Nakuha kay Cifra ang 5 pakete ng hinihinalang shabu (crystal meth) na may bigat na 20 gramo at tinatayang may Dangerous Drugs Board value na P136,000.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang mga nakakulong na suspek. Mary Anne Sapico

Previous articlePagsisikap vs agri goods wastage paiigtingin ng DA
Next articleTop 4 MWP sa Misamis sa kasong murder, rapist nadakma sa Bulacan