Home HOME BANNER STORY 4 Australian lawmakers nagprotesta vs pagbisita ni PBBM

4 Australian lawmakers nagprotesta vs pagbisita ni PBBM

MANILA, Philippines- Hindi nagustuhan ng ilang miyembro ng Australian Parliament ang talumpati ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr., kung saan ipinanawagan nilang itigil ang umano’y human rights abuses sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Sinabi ni Greens Senator for Victoria Janet Rice nitong Huwebes sa X na kahihiyan umanong imbitahan si Marcos na magtalumpati sa harap ng Parliament.

”Under President Marcos Jr, corruption in the Philippines is getting worse. There are hundreds of political prisoners and ‘anti-terrorism’ laws are used as legal cover for extrajudicial killings. Yet the Australian Government invited him to address the Parliament today. Shame,” saad sa tweet ni Rice.

Ayon naman kay Senator Jordon Steele-John, nagprotesta siya sa labas ng Parliament habang nagtatalumpati si Marcos.

”While President Marcos Jr gave a speech to the parliament today, I was proud to protest in solidarity with the Australian-Filipino community outside parliament! Stop the human rights abuses!” aniya sa Instagram.

Samantala, inihayag din ni Senator Barbara Pocock sa X ang pagtutol niya sa pagbisita ni Marcos sa Australia.

Samantala, sinabi ni Senator David Shoebridge na ang Australian Parliament ay ”once more being used to launder the political reputation of those involved in serious human rights abuses.”

”This time it is Bongbong Marcos President of the Philippines. The Greens joined protesters outside Parliament and made our views known in the chamber,” giit ni Shoebridge.

Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang Presidential Communications Office ukol dito. RNT/SA

Previous articleMost wanted rapist sa Calabarzon nadakma sa Bulacan!
Next articleDennis, boto kay Gerald; Julia, ayaw pang pag-asawahin!