Home HOME BANNER STORY 4 batang nakaligtas sa bumagsak na eroplano sa Colombia natagpuan na

4 batang nakaligtas sa bumagsak na eroplano sa Colombia natagpuan na

567
0

COLOMBIA – Natagpuan na at buhay na buhay ang apat na bata na nakaligtas sa bumagsak na eroplano sa Colombia noong Mayo 1, 2023.

Hindi pinangalanan ng pamahalaan ni Colombia Presideng Gustavo Petro ang mga bata ngunit sinabing nagkakaedad lang ang mga ito ng 13, 9, 4 at 1.

Pagkabagsak naman ng eroplano na isang Cessna, namatay kaagad ang Piloto at dalawang may edad na pasahero at natagpuan ang kanilang mga bangkay mismo sa kung saan bumagsak ang eroplano sa magubat na mga bundok sa pagitan ng Araracuara, Amazonas province San José del Guaviare.

Bago bumagsak eroplano na una ang nguso, nakapagradyo pa ang piloto at sinabing nagloko ang makina nito.

Ayon sa mga pwersa ng pamahalaan at indigenouos community o katutubo na tumulong sa paghahanap sa mga biktima, sanay umano ang mga bata sa buhay-gubat dahil miyembro ang mga ito ng tribong Huitoto.

Naligtasan ng mga ito ang kagubatang tahanan ng mga predator na mababangis gaya ng mga jaguar, ahas at iba pa.

Nasa Bogota na ang mga bata at mahigpit na inaalagaan ng mga doktor bago sila ibalik sa kani-kanilang mga pamilya.

Itinurin naman ni Petro ang mga bata na “children of peace” at anak ng Colombia na dapat tularan ng lahat. Fred Cabalbag

Previous articleAktibidad sa Mayon kinokonsiderang pagsabog na ng Phivolcs
Next articleCorpus Christi ipagdiriwang sa Manila Cathedral

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here