Home METRO 4 coastal areas sa VisMin sapul ng red tide

4 coastal areas sa VisMin sapul ng red tide

MANILA, Philippines- Sa pagpasok ng taon, nagpositibo na ang ilang katubigan sa bansa sa toxic red tide, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Huwebes.

Base sa BFAR, nagpositibo ang apat na coastal areas sa Visayas at Mindanao sa Paralytic Shellfish Poison or toxic red tide na lampas sa regulatory limit.

Kabilang dito ang:

  • Coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol

  • Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur

  • Lianga Bay sa Surigao del Sur

  • Coastal waters ng San Benito sa Surigao del Norte

Anang ahensya, hindi ligtas kainin ang shellfish o alamang (small shrimp) na nakuha mula sa mga nasabing katubigan.

“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the areas shown above are NOT SAFE for human consumption,” anunsyo nito.

“Fish, squids, shrimps, and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking,” dagdag nito. RNT/SA

Previous article104 grupo naghain ng manipestasyon para sa 2025 party-list race
Next articleGov’t employees na 10 taon na sa serbisyo bibigyan ng dagdag 10 puntos sa CSC exam