Home METRO 4 domestic flights kanselado sa masamang panahon

4 domestic flights kanselado sa masamang panahon

MANILA, Philippines- Kinansela ang apat na domestic flights dahil sa masamang panahon sa eastern Mindanao, ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) nitong Martes.

Hanggang nitong Martes ng ala-1:30 ng hapon, ang kanseladong flights ay ang CebGo (DG) 6881/6882 Manila-Surigao-Manila, at PAL Express 2971/2972 Manila-Siargao-Manila.

Nauna nang sinabi ng weather bureau na iiral ang isolated rain showers sa malaking bahagi ng bansa dahil sa easterlies at localized thunderstorms.

Inaasahan naman ang rain showers sa eastern section ng bansa, habang mararanasan ang kalat na pag-ulan sa Caraga at Southern Leyte, base sa bureau. RNT/SA

Previous articleSakripisyo ng 6 nasawing sundalo sa Lanao Sur kinilala ni VP Sara
Next articleBenguet bird flu-free na