Home NATIONWIDE 4 hinihinalang rebelde patay sa bakbakan sa Northern Samar

4 hinihinalang rebelde patay sa bakbakan sa Northern Samar

557
0

MANILA, Philippines – Patay ang apat na hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos na makasagupaan ang tropa ng pamahalaan sa Catarman, Northern Samar.

Ayon sa 803rd Infantry Brigade ng Philippine Army, ilang armas din ang nakuha mula sa mga napatay na rebelde.

Sa report, dalawang lalaki at dalawang babaeng rebelde ang napatay sa 15 minutong sagupaan sa barangay Mabini ng nasabing bayan.

“Acting on tips from residents on the presence of armed NPA rebels, our troops have been patrolling the boundaries of Catarman, Bobon, and Lope de Vega towns. It was almost an ambush since the NPA rebels opened fire on the patrolling soldiers,” pahayag ni Capt. Capt. Valben Almirante, spokesperson ng Army 803rd Infantry Brigade.

Ang mga rebelde ay kabilang umano sa sub-regional guerilla unit ng NPA na nakatalaga para palakasin ang NPA front committee 2 na binuwag ng mga militar ngayong taon.

Matapos ang bakbakan, narekober ng mga awtoridad ang dalawang M16 rifle, dalawang caliber 45 pistol, magazine at personal na pag-aari ng mga rebelde.

“This is a huge setback since the front committee 2 is already dismantled and the unit that took over the area also lost some of their fighters in this encounter,” dagdag ni Almirante.

Sa ngayon ay patuloy na minomonitor ng militar ang aktibidad ng dalawang natitirang guerilla fronts sa Eastern Visayas.

Nagtatago umano ang mga ito sa liblib na lugar ng Catubig, Las Navas, Silvino Lobos, Palapag, Mapanas at Gamay sa Northern Samar. RNT/JGC

Previous articlePBEd sa kasalukuyang K-12 system, suriing mabuti
Next articleNegOr ‘di pa mairerekomendang election hotspot – Comelec

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here