Home NATIONWIDE 4 iba pang tanker na may unmarked fuel tinutunton ng BOC

4 iba pang tanker na may unmarked fuel tinutunton ng BOC

MANILA, Philippines – Tinutugis na ng Bureau of Customs-Customs Intelligence and Investigation Service (BOC-CIIS) ang apat iba pang tanker na konektado sa smuggling ng 158,000 litro ng unmarked fuel sa Mariveles, Bataan.

Inisyu ni Customs Commissioner Bien Rubio ang kautusan sa mga ahente ng BOC-CIIS na tugisin ang grupo na nasa likod ng pinakahuling fuel-smuggling activity.

Matatandaan na nasabat ng ahensya ang kabuuang 16 lorry trucks at isang tanker vessel na sangkot sa smuggling sa isang private port sa Mariveles, Bataan, ngunit pinaniniwalaang apat pang tanker ang nakatakas.

Nakumpiska ang aabot sa P7,807,051.41 halaga ng 154,000 litro ng unmarked diesel at P188,759.07 halaga ng 4,000 litro ng unmarked gasoline.

Inilabas ang warrant of seizure and detention (WSD) ng
Office of the Collector of Customs, District Port of Limay, Bataan noong Disyembre 20 2023 laban sa lorry trucks kasama ang tanker trailers at isang tanker vessel dahil sa paglabag sa Sections 117 and 1113 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at Republic Act (RA) 10963, o kilala bilang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN Law).

Itinurn-over na sa kustodiya ng Auction and Cargo Disposal Division ng Port of Limay ang mga nakumpiskang tanker.

“Despite the holiday season, the bureau is working double time to pursue the whereabouts of the four other tankers. We will get to the bottom of this affront to our laws,” saad sa pahayag ni Rubio nitong Huwebes, Disyembre 28.

Ang kabuuang halaga ng unmarked fuel na nakuha sa loob ng barko at lorry trucks, at tanker vessel ay aabot sa P141,977,360.31.

Pinaniniwalaang ang motor tanker vessel Lorna 2 ang pinagmulan ng diesel fuel na ikinarga sa lorry trucks at trailer, na nagkakahalaga ng P73,993,554.23, habang ang tractor head ay nagkakahalaga ng P41,520,478.40. Ang lorry ay nagkakahalaga ng P18,467,517.20.

Sinabi ni BOC-CIIS Director Verne Enciso na agad inilabas ang Mission Order (MO) nang maberipika ang “derogatory information that there were several vessels carrying alleged smuggled fuel and attempting to discharge the same.”

“Initial and confirmatory tests yielded a failed result on the lorry trucks and the tanker vessel. This means that the fuel is lacking the markings, indicating the lack of necessary duties and taxes,” dagdag pa niya.

Isinagawa na rin ang inquest proceedigs sa mga drayber at helper ng lorry trucks at tanker trailers dahil sa paglabag sa Sections 1401 at 1430 ng CMTA, Sections 148-A, 254, at 265-A ng National Internal Revenue Code (NIRC), na inamyendahan ng TRAIN Law.

Nakatakda ang preliminary investigation sa Enero 8, 2024 sa Office of the Provincial Prosecutor ng Bataan.

“Our smuggled fuel interdiction mission is vital to the health of our economy. We will leave no stone unturned in running after the perpetrators behind this operation. Smuggling unmarked fuel does not only hurt our economy, but it is also unsafe and it causes harmful auto emissions,” sinabi ng BOC. RNT/JGC

Previous articleDOTR, LTFRB pinagpapaliwanag ng SC sa petisyon ng transport groups vs PUV modernization
Next articleMandatory face masks tinanggihan ng Tagaytay