Home METRO 4 kalaboso sa ilegal na droga

4 kalaboso sa ilegal na droga

MANILA, Philippines- Magkasunod na operasyon  ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ( SDEU) ng Manila Police District – Baseco Police Station 13 ang nagresulta sa pagkakaresto sa apat na indibidwal sa pamamagitan ng poseur buyer, kung saan nakumpiska ang  P408,000 halaga ng shabu sa Baseco Compound sa riles ng tren sa Port Area, Manila, nitong Martes ng hapon.

Unang ikinasa ang buy-bust sa Blk.7 Baseco Compound Brgy. 649 kung saan natimbog sina “Eugene,” 59, may asawa at isang alyas “Shaina,” 36, may asawa, parehong babae na residente ng Baseco ng bandang alas-3:50 ng hapon.

Samantala, dakong alas-4:40 ng hapon nang muling ikinasa ang buy-bust operation sa Rail Road Drive corner 25th Street sa barangay 653 Port Area at matimbog ang dalawang suspek na sina “Jomar,”  29, may asawa, delivery rider at si alyas “Abner,” 26-anyos, may asawa, Grab driver, kapwa residente ng Taguig City.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Emmanuel ( Mike) Gomez, Station Commander, magkasunod na oras isinagawa ang operasyon sa pangunguna ni Police Major Armando Linget, hepe ng SDEU sa inilatag na buy-bust sa magkasunod na oras.

Sa pamamagitan ng P1,000 marked money kapalit ng droga ay natimbog ang apat na indibidwal.

Nakarekober ng mga awtoridad ang 60 gramong hinihinalang shabu katumbas ng halagang P408, 000.

Kabilang sa mga ebideniyang nakalap ng mga operatiba ang isang Toyota Vios na kulay gray, tatlong unit ng cellphone na Redmi, Honor at Oppo.

Dahil dito, sina Police Staff Sargent Voltaire Yap at Police Staff Sargent Bob John Lolong ang nagsagawa ng dokumento sa pag-aresto na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11,  Article 151 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002). Rene Crisostomo

Previous articleNueva Vizcaya insurgency-free na
Next articleDND nagsagawa ng mga hakbang vs pag-iispiya