Home METRO 4 Koreano nanggulo sa labas ng bar, arestado!

4 Koreano nanggulo sa labas ng bar, arestado!

MANILA, Philippines- Apat na Koreano na umano’y nanggulo sa labas ng isang bar sa Taguig ang inaresto ng mga rumespondeng pulis.

Base sa nakalap na ulat sa Taguig City police, lasing na ang apat na Koreano matapos uminom at makalabas sa isang bar bago nanggulo ang mga ito.

Sinubukan pang awatin ng gwardiya ng bar ang mga lasing na Koreano ngunit hindi nagpaawat ang mga ito at lalo pang naging mga ‘war-freak’ kung kaya’t napilitan nang tumawag ang gwardiya ng pulis na nagresulta ng kanilang pagkakaaresto.

Sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa istasyon ng pulisya ay napag-alaman na ang apat na Koreano ay magkakakilala at magkakasamang nag-inuman sa isang bar.

Nahaharap sa kasong alarm and scandal ang mga nadakip na Koreanong lango sa alak na hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring pahayag at hindi pa rin natatanto ang pinagmulan at dahilan ng kanilang pinag-awayan. James I. Catapusan

Previous articleTaylor Swift ginawan ng malalaswang larawan gamit ang AI!
Next articleTeachers’ group ‘di kuntento sa 2024 BER