Home METRO 4 lalaking napagkamalang asset ng militar, patay sa NPA

4 lalaking napagkamalang asset ng militar, patay sa NPA

Image Representation Only

NEGROS OCCIDENTAL- Kinondena ng Philippine Army (PA) ang sunod-sunod na pagpatay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa apat na kalalakihan makaraang pagbintangan na kanilang intelligence asset, iniulat kahapon sa probinsyang ito.

Sa ipinalabas na pahayag nitong Sabado ni Roselyn Jean Pelle Command (RJPC)-NPA, inamin niyang sila ang pumatay kay Jomarie Nabeses, 41, magsasaka, ng Barangay Cambayobo, Calatrava, noong Hunyo 10, 2023, bandang alas-7:20 ng gabi sa Sitio Mahusay, Barangay Cambayobo, sa nasabing bayan.

Sinabi ni Pelle na si Nabeses ang responsable sa pagsalakay ng militar sa kanilang kuta sa Barangay Cambayobo noong 2010 na ikinamatay ng kanilang miyembro ganun ang pagbibigay ng biktima ng mga impormasyon kung saan naglulungga ang mga lider ng NPA at mga kasapi na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito.

Sa imbestigasyon ng Calatrava Police, nasa sakahan si Nabeses ng bigla na lamang itong pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa iba’t ibang parte ng katawan gamit ang kalibre .45 at 5.56 mm na nagresulta ng agaran kamatayan nito.

Samantala, sa pahayag naman ni Ka Dionesio Magbuelas, tagapagsalita ng Mt. Cansermon Command- NPA South Central Negros Guerilla Front, kilalang bilang Central Negros 2, inamin nito na sila ang responsable sa pagpaslang kay Michael “Kulot” Soledad noong June 2, sa Brgy. Carabalan, Himamaylan City.

Giit ni Magbuelas na si malaki ang naging papel ni Soledad sa ginawang pagsalakay ng militar laban sa kanilang grupo noong March 1 sa Sitio Canagban, Brgy. Carabalan, Himamaylan City na nagresulta sa pagkamatay ng apat nilang kasamahan na kinilala sa mga alyas Ka Jemon, Ka Sardo, Ka Andres, at Ka Jeloy.

Sinabi pa ni Magbuelas na residente si Soledad sa Sitio Canagban subalit lumipat lamang ito ng tirahan sa Barangay Carabalan proper pagkatapos lusubin ng militar ang kuta ng MCC-NPA unit.

Lumabas sa paunang imbestigasyon ng Himamaylan police, na nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan ng bigla na lamang dumating ang mga suspek at kinausap ang misis nito saka nilapitan si Soledad at binaril sa ulo na agad nitong ikinamatay.

Inako rin ni Magbuelas, na sila rin ang responsable sa pagpaslang sa pinsan ni Regie na si Michael Soledad, noong April 19, na kasama rin ng militar sa pagsalakay sa kanilang grupo noong March 1 at nagsisilbi rin asset ng 94IB.

Maging ang pag salvage kay Raul Enmacino noong May 25, sa Sitio Colihao, Brgy. Buenavista, Himamaylan City ay inako rin ni Magbuelas na sila ang responsable.

Aniya, si Enmacino ang isa sa pangunahin nilang suspek na pumatay sa dalawang miyembro ng NPA noong Abril 1, 2022 na sina Elbert Nicholas Quillano, alias Carding, atd Jessa “Ka Clea” Quillano, na kapwa nakatira noon sa kanilang bahay.

Mariin naman pinabulaanan ng militar ang akusasyon ng rebeldeng grupo sa mga biktima na intelligence nila ang mga ito.

Batay sa rekord ng militar, na si Quillano, platoon leader ng Central Negros 2 at misis nitong si Jessa, na siyang medical officer ay namatay makaraan makaengkwentro ang grupo ng 94IB.

Ayon naman sa 303rd Infantry Brigade, mariin nilang kinondena ang pagpatay sa mga inosenteng sibilyan at pinaghihinalaan asset ang mga ito. Mary Anne Sapico

Previous articleHigit 200 ambulansya ipamamahagi ng PCSO
Next articleNuggets kampeon sa NBA