Home METRO 4 lugar sa NCR mawawalan ng tubig

4 lugar sa NCR mawawalan ng tubig

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng East Zone concessionaire Manila Water Co. ang water disruptions sa Antipolo, Rizal; Marikina City, Quezon City, at Mandaluyong City.

Simula ngayong Martes, Dec. 19, sasailalim ang ilang bahagi ng Metro Manila sa serye ng water maintenance activities tulad ng interconnection, line meter replacement, at leak repair.

Upang ibsan ang epekto ng water line repairs sa consumers, iniskedyul ng Manila Water ang aktibidad mula gabi hanggang madaling araw.

 Narito ang mga apektadong lugar at schedule:

Dec. 19 hanggang 20, 10:00 PM-5:00 AM

  • Antipolo, Rizal – Brgys. San Roque (Milagrosa Subdivision, Simeon Compound, Sikapville, Cristimar, Villa Carmen, Marville Park Subd. II, Lower Ligtasan, Circumferential Road, F Manalo, ML Quezon, P. Oliveros, C Coronado, Gen Luna, Sumulong, J. Sumulong, Rustan Supercenter Inc & Imall Bayan)

Dec. 19 hanggang 20, 10:00 PM-6:00 AM

  • Marikina City – Brgy. Malanday

Dec. 21 hanggang 22, 10:00 PM-4:00 AM

  • QC – Brgys. Mariana, Kristong Hari, Kalusugan

  • Mandaluyong City – Brgys. Namayan (Claro Castaneda St., 1st, 2nd ,3rd St & 4th St, Alley 1, Alley2, Alley 3, Alley 4, Alley 5, Alley 6 Dona B. Yangco, L. Segura, Dona Basilisa, GK C. Castaneda, Int. 4 C. Castaneda)

Dec. 22 hangggang 23, 10:00 PM-4:00 AM

  • QC – Brgy. Damayang Lagi

Inabisuhan ang mga residente na mag-imbak ng sapat na suplay ng tubig.

Samantala, nag-abiso ang Manila Water sa consumers nito ukol sa rate rebasing adjustment na inaprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Board.

Epektibo ang bagong rates sa Jan. 1, 2024.

Base sa concessionaire, magkakaroon ang low-income households na kumokonsumo ng 10 cubic meters o mas mababa pa ng base rate na P67.83 per connection (per conn.).

Sisingilin naman ang hindi kabilang sa low-income household groups ng P175.41 per conn.

Ang rate naman para sa semi-business groups ay P175.41 per conn., habang ang business groups I ay P797.13 per conn.

Gayundin, sisingilin ang mga pasok sa business groups II ng basic charge na P862.50 per conn. RNT/SA

Previous articlePNP-DEG Facebook page na-hack!
Next articleALAMIN: Adjusted operating hours ng mga tren ngayong holiday season