QUEZON – Nalibing nang buhay ang apat na minero sa General Nakar, Quezon dahil sa landslide bunsod ng pag-ulan kamakailan.
Sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente sa Sitio Angelo sa Barangay Umiray noong Miyerkules ng madaling araw pasado alas-4 ng umaga.
Sinabi ng Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na ang tuluy-tuloy na pag-ulan ay maaaring sanhi ng pagguho ng lupa.
Narekober ang mga labi ng mga biktima sa ikinasang search and rescue operation.
Hindi pa pinapangalanan ng PDRRMO ang mga biktima.
Samantala, ang maliit na pagmimina para sa mga deposito ng ginto ay laganap sa nayon, dagdag ng ulat. RNT