MANILA, Philippines – Isinusulong ni Deputy Speaker at 6th District Batangas Rep. Ralph Recto na ilantad ng gobyerno ang karagdagan pang apat na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) bases ng Estados Unidos sa Pilipinas kaugnay ng pagpapalakas pa ng kooperasyong militar sa pagitan ng Pilipinas at tropa ng Estados Unidos.
Giit pa ng mambabatas na makabubuting ilahad ng administrasyon sa Kongreso ang mga karagdagang EDCA.
“As the number of EDCA bases mutate into 9, the administration should brief Congress and tell the public on where these additional 4 will be. National security is not harmed by that candor. But any secrecy will deal transparency, an avowed hallmark of this administration, a serious blow,” dagdag ni Recto.
Nitong Huwebes, Pebrero 2 ay dumalaw si US Defense Secretary Lloyd Austin sa tanggapan ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr. sa Camp Aguinaldo at inanunsyo ng mga opisyal ang pagdaragdag pa ng mula sa lima ay apat pa o kabuuang 9 EDCA bases sa bansa.
Sa kasalukuyan ay may limang EDCA sites na kinabibilangan ng Cesar Basa Air Base sa Pampanga, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Lumbia Air Base sa Cagayan de Oro, Benito Ebuen Air Base sa Cebu at ang Antonio Bautista Air Base sa Palawan.
Nais ni Recto na makapagpaliwanag ang militar kung bakit kailangan ang dagdag na EDCA dahil dapat aniya ay mahigpit munang pinag-aralan ang isyu.
“By agreeing to EDCA plus, Defense officials would have first studied its ramifications, specifically the potential reaction from other states, and our planned responses. What triggered the expansion? Are the 9 bases the sum of our fears? Samantalang dapat rin aniyang ihayag ng pamahalaan kung ano ang mga benepisyo na makukuha ng bansa sa EDCA 9.”
Bagaman hindi naman tinukoy sa pagbisita ni Austin kung saan ang mga bagong sites ay una nang sinabi ng Defense officials sa bansa ang mga lugar ng Zambales, Cagayan, Isabela at Palawan; pawang mga istratehikong lugar na nakaharap sa China, Taiwan at Korean Peninsula ang mga inirekomendang karagdagan pang EDCA bases.
“Are we being built up as their armed garrison in the Pacific as a tripwire to Chinese expansionism? In principle, this is an administration prerogative I support. But I ask that whatever agreements be made public and the pros and cons be told,” ani Recto.
Magugunita na ang EDCA ay nilagdaan sa pagitan ng Defense officials ng Pilipinas at Estados Unidos noong Abril 2014 para magtulungan sa disaster humanitarian response.
Layunin rin nito na maprotektahan ang Pilipinas sa kapangahasan at pambu-bully ng China sa West Philippine Sea. Meliza Maluntag