Home NATIONWIDE 4 na bata, ligtas sa pagbagsak ng eroplano sa Amazon

4 na bata, ligtas sa pagbagsak ng eroplano sa Amazon

759
0

COLOMBIA – BOGOTA — Natagpuang ligtas ang apat na bata, kabilang ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa masukal na bahagi ng Amazon forest sa Colombia, matapos na bumagsak ang eroplanong sinasakyan nila dalawang linggo na ang nakalilipas.

Tinawag ito ni President Gustavo Petro bilang “joy for the country.”

Ani Petro, ang mga bata ay natagpuan matapos ang masinsinang search efforts ng mga militar.

Matatandaang mahigit 100 sundalo na ang ipinakalat upang hanapin ang mga sakay ng eroplano na bumagsak noong Mayo 1.

Maliban sa mga nakaligtas na mga bata, patay naman ang tatlong matatanda kabilang ang piloto at ina ng mga bata.

Naniniwala ang mga rescuers na nagpapagala-gala lamang sa masukal na gubat ang mga bata.

Hindi na nagbigay pa ng detalye si Petro kung saan nila eksaktong nakita ang mga bata o kung paano nakaligtas ang mga ito sa gubat. RNT/JGC

Previous articlePBBM, nagtalaga na naman ng bagong mukha sa gobyerno
Next articleRetiradong PNP general patay sa sunog sa QC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here