Home HOME BANNER STORY 4 na miyembro na susuri sa PNP resignations pinangalanan na

4 na miyembro na susuri sa PNP resignations pinangalanan na

MANILA, Philippines – Isiniwalat ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang apat na miyembro ng five-man committee na magrerepaso sa courtesy resignations ng Philippine National Police (PNP) senior officials.

Ang apat na miyembro ay sina Baguio City Mayor Benjamin Magalong, PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr., former Defense chief Gilbert Teodoro, at Undersecretary Isagani Neres mula sa Office of the Presidential Adviser on Military Affairs.

Ang huling miyembro ng five-man committee ay nakiusap na huwag muna siyang pangalanan.

Matatandaan na noong Enero 4 ay umapela si Abalos sa mga senior PNP official na magsumite ng kanilang courtesy resignation bilang bahagi ng cleansing ng pamahalaan at sa ahensya, kontra sa illegal drug trade.

Kahapon, Enero 31 ang huling araw ng pagpapasa ng kani-kanilang mga resignations.

Samantala, rerepasuhin din ng National Police Commission ang mga pangalan ng police officers kung saan tinanggap na ang pagbibitiw sa tungkulin. Kris Jose

Previous articleBarbara Miguel, humagulgol sa pag-throwback sa Kapuso!
Next article7 bilateral agreements inaasahang pipirmahan sa Japan visit ni PBBM