Home METRO 4 patay, 2 sugatan sa aksidente sa motorsiklo

4 patay, 2 sugatan sa aksidente sa motorsiklo

MANILA, Philippine- Apat na katao ang naitalang patay habang dalawang pasahero ang sugatan sa aksidente ng motorsiklo sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Cavite.

Ayon sa report, isinugod pa sa CARSIGMA Hospital ang mga biktima na sina Ronnie Panes Del Rosario, Anna Mikaela Diche Salmiron, habang sa General Emilio Aguinaldo Hospital naman dinala ang isang hindi pa kilalang lalaki na tinatayang edad 30 hanggang 40-anyos, malaki ang pangangatawan, nakasuot ng dark t-shirt, short pants at pulang tsinelas at walang anumang dalang identification card at Mojia Rhegie y Carable, 32, ng Blk 252 Lot 4 Jupiter Int St Group 2 Zone 13 Pembo, Makati City na kapwa idineklarang dead on arrival sa ospital.

Sugatan naman at kasalukuyang ginagamot sa ospital sina Russel Placido Brinas, Floressa Camille Labrada, 27, call center agent at Ma. Elisa Joyce Dulay y Tan, 23, ng Batasan Hills Quezon City at Rhegie Mojica Y Carble, 32.

Ayon sa ulat, dakong alas-10 ng gabi nang naganap ang insidente kung saan minamaneho ni Brinas ang kanyang motorsiklo na Honda Click habang angkas nito si Del Rosario nang nawalan ng kontrol sa manibela at bumangga sa center island ng Congressional Road, Brgy Lumbreras, General Mariano Alvarez (GMA), Cavite na nagresulta sa pagkamatay ni Del Rosario.

Minamaneho naman ni Salmorin ang kanyang motoriskko na Honda Click at angkas nito si Labrada habang binabagtas ang kahabaan ng Congressional Road, Brgy Poblacion 4, GMA, Cavite dakong alas-3:40 kamakalawa ng hapon nang pagsapit sa pinangyarihan ng insidente ay nawalan din ng kontrol sa motorsiklo at sumalpok sa center island ng kalsada na nagresulta sa pagkamatay ni Salmorin

Binabagtas naman ng isang hindi nakilalang lalaki ang kahabaan ng Purok 1 Conchu-Amadeo Road Brgy. Conchu, Trece Martires City, Cavite sakay ng kanyang motorsiklo na Yamaha Mio Sporty dakong alas-10:45 kamakalawa ng gabi nang pagsapit sa palikong bahagi ng kalsada ay nawalan siya ng kontrol sa kanyang manibela at sumalpok sa isang konkretong poste.

Dahil sa insidente ay tumilapon ang katawan nito sa isang madamong bahagi ng lugar at dahil sa wala itong suot na anumang helmet ay napuruhan ang kanyang ulo na dahilan ng kanyang pagkamatay. Nabatid na nakainom umano biktima.

Minamaneho naman ni Dulay ang kanyang motorisklo na Yamaha Mio Sporty at angkas nito si Mojica habang binabagtas ang direksyon ng Maragondon galing Tanza habang patungo naman sa direksion ng Tanza galing Maragondon ang minamanehong Isuzu Closed van ni Jerome Butar y Remojo nang pagsapit sa isang palikong kalsada sa Governor’s Drive Brgy. San Roque Naic, Cavite ay bahagyang pumasok ito sa lane ni Dulay dahilan ang pagsalpukan ng dalawang sasakyan at nagresulta sa pagkamatay ng angkas sa motorsiklo na si Mojica nang¬† masagi nito ang motorsiklo ng huli.¬†Margie Bautista

Previous articleDOH sa mga Pinoy: Kumain pa rin ng masustansya ngayong holiday, iwasang mag-‘Sharon’
Next article2 sugatan sa namaril na senglot