Home NATIONWIDE 4 patay sa hot air balloon crash sa Arizona

4 patay sa hot air balloon crash sa Arizona

UNITED STATES – Patay ang apat na katao, kabilang ang pilot, habang isa pa ang kritikal na nasaktan matapos na bumagsak ang isang hot air balloon sa disyerto sa Arizona noong Linggo, Enero 14 matapos na matagumpay na makatalon ang walong skydiver mula sa naturang basket.

Ang Kubicek BB 85 Z balloon ay bumagsak noong Linggo sa Eloy, 65 milya ang layo sa Phoenix, sinabi ng US National Transportation Safety Board nitong Lunes.

Iniimbestigahan pa ang insidente.

“The balloon impacted desert terrain following an unspecified problem with its envelope,” sinabi ng NTSB.

Sa inisyal na inspeksyon, walang nakitang mechanical anomalies dahil buo pa rin ang balloon at basket nito, sabay-sabing ang envelope ay iinspeksyunin din nila.

Ipinadala na sa NTSB headquarters sa Washington ang electronic device na naglalaman ng flight information at video camera para sa mas malalim pang pagsusuri.

“It is important to clarify that the skydiving was intentional and was successfully completed by all skydivers before any issues with the hot air balloon were evident,” saad sa pahayag ng Eloy Police Department.

Tinukoy ng pulisya ang apat na nasawi na sina Chayton Wiescholek, 28, mula Union City, Michigan; Kaitlynn Bartrom, 28, mula Andrews, Indiana; Atahan Kiliccote, 24, mula Cupertino, California; at piloto na si Cornelius Van Der Walt, 37, South African national na naninirahan sa Eloy.

Nasa kritikal namang kondisyon ang survivor na si Valerie Stutterheim, 23, ng Scottsdale, Arizona. RNT/JGC

Previous articleTindig ng Senado sa Cha-cha: Economic provisions lang, walang politikal
Next articlePagbabayad ng buwis sa QC pinadali ng digitalization