Home METRO 4 patay sa lasing na driver ng van

4 patay sa lasing na driver ng van

KABACAN, Cotabato- Patay ang apat na katao matapos banggain ang kanilang sinasakyang motorsiklo ng van na minamaneho ng driver ng lasing sa national highway sa bayang ito noong Lunes.

Kinilala ang mga nasawi na sina Mohaimen Maguling Bangkailan, Almina Mato Bangkailan, Nasser Mansag Cadulong at Kalya Sacandal lahat ay magkakaangkas na sakay ng dalawang motorsiklo.

Hawak naman ng pulisya ang suspek at driver ng van na kinilalang si Marcelino Zacaria, taga-Rancho ng nasabing bayan.

Batay sa report ng Kabacan Municipal Police Station, naganap ang insidente sa national highway sa Sitio Lumayong Barangay Kayaga, ng naturang bayan.

Ayon kay Kabacan Municipal Police Station chief Major Maxim Peralta, bago ang insidente ay gumewang-gewang muna ang van na minamaneho ni Zacaria bago ito napunta sa kabilang linya at inararo ang dalawang motorsiklo na sinasakyan ng mga biktima.

Sa lakas ng pagkakasalpok ay nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na nagpositibo sa nakalalasing na alak ang suspek habang nagmamaneho at nabatid rin na gumagamit rin ang suspek ng shabu.

Nakatakda namang sampahan ng patong-patong na kaso ang suspek. Mary Anne Sapico

Previous articlePedopilyang British at US national inaresto ng BI
Next article60% NG MGA FILIPINO, NANINIRAHAN SA MAPANGANIB NA LUGAR AYON SA CCC