Home NATIONWIDE 4 Pinoy na pinagtrabaho bilang scammer sa Myanmar, nakauwi na

4 Pinoy na pinagtrabaho bilang scammer sa Myanmar, nakauwi na

MANILA, Philippines – Dumating na sa bansa ang apat na Filipino na nabiktima at pinagtrabaho bilang online scammer sa Myanmar.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI) – Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) nitong Sabado, Hunyo 29, ang pinakahuling batch ay binubuo ng dalawang babae at dalawang lalaki na dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa Pasay City noong Hunyo 26.

Ang mga biktima na pawang nasa edad 30 ay inaming umalis ng bansa bilang turista patungo sa Hong Kong, Thailand at Taiwan.

Inilipat ang mga ito patungong Myanmar sakay ng bangka.

“It’s sad to hear that our own kababayan facilitates the trafficking other Filipinos. Dinadala pa sa kapahamakan ang kababayan nila,” saad sa pahayag ni BI Commissioner Norman Tansingco.

“We are now grappling again with the recurring scheme that has victimized many unsuspecting Filipinos,” sinabi pa ng BI chief.

“But we will not cease enforcing strict departure protocols and launching a strong communication campaign aimed at informing the public to combat this recurring modus.” RNT/JGC