Home NATIONWIDE 4 Pinoy na sangkot sa large-scale marriage fraud sa US sinintensyahan na

4 Pinoy na sangkot sa large-scale marriage fraud sa US sinintensyahan na

MANILA, Philippines- Ibinaba na ang sentensya laban sa apat na Pilipinong sangkot sa large-scale marriage fraud sa Massachusetts, America.

Batay sa ulat nitong Biyernes, iginiit ng Federal Court ng Boston na magkakasabwat ang mga Pinoy mula sa Los Angeles, California sa pangangasiwa ng pekeng kasal.

Inilahad na ang dahilan nito ay upang magkaroon ng legal status sa Amerika ang immigrants kapalit ng halagang $20,000 hanggang $35,000 o halos P2 milyon.

Gayundin, napag-alamang pekeng dokumento ang gamit sa pagproseso ng working permit at green card ng mga kliyente.

Naiulat pa na halos 600 ang naging kliyente nila mula 2016. Hinatulan sila ng 14 hanggang 22 buwang pagkakakulong.

Samantala, pinatawan ang dalawa pa ng apat hanggang anim na buwang home detention. RNT/SA

Previous articleZubiri sa economic Cha-cha: ‘Nasa tamang landas kami sa Senado’
Next articleEARIST dumepensa sa viral video ng ‘sapilitang’ pagpapagupit sa buhok ng transgender stude