Home ENTERTAINMENT 4 senador plus Coco, sanib-puwera sa MMFF 2024!

4 senador plus Coco, sanib-puwera sa MMFF 2024!

Manila, Philippines- Hindi pa man ay ikinakasa na ang tiyak na biggest and most expensive hopeful entry to next year’s Metro Manila Film Festival.

It’s neither comedy nor fantasy.

Hindi rin ito horror o heavy drama.

Ito’y action movie na tiyak na may rekadong drama, comedy at family entertainment.

Kung bakit it’s touted to be the biggest and most expensive film ay dahil pinagsama-sama rito ang apat sa ating magigiting na mambabatas.

In no particular order, to lead the cast are Senators Lito Lapid, Bong Revilla Jr., Jinggoy Estrada and Robin Padilla.

Wait, there’s more..join din sa cast si Coco Martin.

Ang tentative title ay Apat na Sikat.

But for sure, this will undergo changes dahil paano na si Coco who’s excluded in the title?

Malaki pa naman daw ang magiging partisipasyon doon ni Coco as he’s in charge of who’s going to play their leading lady, whether common o tig-lisa.

Ayon kay Lito, availability ni Coco ang hinihintay nilang apat.

For sure din, may creative input si Coco who knows the nitty-gritty of production.

Ang maganda lang dito, ayon na rin kay Lito ay iwe-waive nila ang kani-kanilang talent fee.

Napagkasunduan daw nilang mga major cast members na i-donate ang kanilang TF sa pagpapagawa ng gusali ng Mowelfund.

Ang plano: may sariling palapag para sa mga direktor, assistant director, artista at maging sa entertainment press.

Kung sakaling matutuloy ito, posibleng magdalawang-isip lumahok sina Vic Sotto at Vice Ganda sa Metro Manila Film Festival next year.

Pero ‘di kaya sina Bossing at Vice Ganda ang mag-join forces lalo’t nauuso ang mga collaborations? Ronnie Carrasco III

Previous articleDOH oks sa ‘medical marijuana’
Next articleBreakup post binura ni Daniel