Home METRO 4 sugatan sa sumabog na bunton ng paputok!

4 sugatan sa sumabog na bunton ng paputok!

DAGUPAN CITY- Sugatan ang apat na residente ng lugar na ito matapos masabugan ng bunton ng paputol dakong alas-11:30 nitong Lunes, Araw ng Pasko, sa Barangay Malued.

Sinabi ng mga pulis na nagsindi ng sigarilyo ang isa sa mga biktima sa isang inuman malapid sa silid ng isang bahay kung saan nakatago ang mga paputok.

Dinala ang mga biktima sa Region I Medical Center Annex sa siyudad na ito upang gamutin.

Kinilala sila na sina Rogelio Zamora Solomon, 48; Raymundo Seen Lazaro, 38; Jaquiline Tababan Velasco, 49; at Roan Calugay Velasco, 44.

Gagamitin sana ang mga paputok sa Bagong Taon. RNT/SA

Previous articleKelot tiklo sa ‘extortion’
Next articleRider timbog sa ilegal na paputok, open pipe