Arestado ng mga miyembro ng District Drug Enforcement Unit ng Southern Police District (DDEU-SPD) sa pakikipagkoordinasyon sa District Intelligence Division (DID), Philippine Drug Enforcement Agency-Southern District Office (PDEA-SDO), District Special Operations Unit (DSOU), District Mobile Force Battalion (DMFB), at ng Sub-Station 10 ng Taguig City Police Station ang apat na suspects sa ikinasang buy-bust operation sa Taguig Martes ng gabi (Agosto 6).
Sa report na natanggap ni SPD director P/Brig. Gen. Leon Victor Z. Rosete ay nakilala ang apat na arestadong suspects na sina alyas Mark, 50; alyas Romaila, 32; alyas Kailyn, 20; at isang alyas Mohiddin, 26.
Ayon kay Rosete na naganap ang pagdakip sa apat na drug suspects sa ikinasang buy-bust operation dakong alas 10:15 Martes ng gabi sa Lower Bicutan, Taguig City.
Sinabi ni Rosete na nakatanggap ng impormasyon ang DDEU kaugnay sa ilegal na aktibidad ng mga suspects kung kaya’t agad na nagkasa ng buy-bust ops na nagresulta ng pagkakaaresto ng mga suspects.
Sa naturang operasyon ay nakarekover ang mga operatiba ng 120 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱816,000.
Ang nakumpiskang ebidensya ay dinala sa SPD Forensic Unit para sumailalim sa chemical analysis.
Dagdag pa ni Rosete na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang apat na suspects na kasalukuyang nakapiit sa DDEU custodial facility habanginihahanda ang pagsasampa ng kaso laban sa kanila sa Taguig City Prosecutor’s Office. (James I. Catapusan)